Ako si Iceburn. Isang anak, isang kapatid, isang kaibigan, isang
blogger at isang Pinoy siyempre. Isa akong mahirap, pobre at dukha. Naranasan
na yata ang lahat ng hirap sa buhay. Pero kahit gaano man kahirap ang mga
pinagdadaanan ko mula noon hanggang ngayon, heto pa rin ako, nakangiti at
nananatiling nakatayo.
Mahilig akong gumawa ng mga sarili kong quotes o yung mga tinatawag kong “mga banat ni Iceburn” o “mga linya ni Iceburn.” At ang mga linya at banat ni Iceburn na ‘yan ay ginagamit o kinukuha ko sa mga k’wentong isusulat at naisulat ko na.
Dati akong Admin ng isa sa mga naunang FB Page ng mga Pinoy at OFWs; ang Pinoy True love Conversation o PTLC, kung saan, unang lumabas at una kong ginamit ang screen name / pen name kong ‘iceburn.” Nakalulungkot lang isipin kasi nawala na ang page na iyon sa mundo ng FB.
Mula noong unang araw na ginamit ko ang pen name / screen name kong Iceburn, tumatak na ito sa isipan ng mga taong nagbibigay halaga sa mga akda ko. Mula sa araw na iyon, minahal na nila ang isang Iceburn. Mula sa 'isang salita' patungo sa 'mga banat' at 'linya ko,' hanggang sa mga 'tula ko,' hanggang sa mga kuwento kong maikli man, tama lang o sobrang haba; Iceburn lang at wala nang iba ang kilala nila sa likod ng mga akda kong nababasa nila.
Ako yung madalas mang-trip, maingay, makulit at pasaway. Wagas kung makabanat, ma-keso at mas matamis pa sa tinapay. Laging tumatawa, laging masaya; at kung hindi mo ako kilala, talagang maasar ka. “Loko-loko” sabi nga ni nanay.
Pero sasabihin ko sa ’yo; masuwerte ka kung isa ka sa mga inaasar at pinagtitripan ko. O sabihin ko nang masuwerte rin ako, alam mo kung bakit? Kasi ibig sabihin lang nun na “close na tayo.” Kilala na kita at kilala mo na rin ako. Kaya naman kahit tama ka, sinasabi kong mali, tapos pinagtatawanan pa kita. Ako yung tao na tuwang-tuwa kapag may mga naasar sa aking sinasabi at ginagawa. H’wag mo lang ipahalata sa’kin dahil talagang hindi kita titigilan hanggang sa mangiyak-ngiyak ka na.
At kung ramdam kong nag-iiba na ang itsura ng maganda mong mukha; tanda na iyon para simulan kong suyuin ka. Walang tigil naman na pansusuyo ang gagawin ko hanggang sa maibalik ang ngiti sa iyong mga mata. Yung tipong maluha-luha ka na sa kakatawa. Ganun lang ‘yun, lahat ng galaw at sinasabi ko; siguradong may binabalak ako. Pero asahan mo, hindi ito masama. Paiiyakin lang naman kita, pagkatapos nun, pupunasan ko naman ang iyong mga luha.
Alam kong marami akong nasasaktan na tao, pero mas marami naman ang mga napangingiti at napasasaya ko.
Nagsimula lang akong mag-blog sa Definitely Filipino Blog noong 2012. At ang mga ilan sa akda ko ay ang mga sumusunod:
• Nagmahal Ako ng Dalawa
• Nakikita at
Nararamdaman Nyo Din Ba Ang Nakikita at Nararamdaman Ko?
• REHAS (Bilanggo)
• Sa Bawat Tibok ng Puso
• Panakip Butas
• Single Mom (Single Mom
Ako, Proud Ako!)
• Mga Banat Ni Iceburn
• Hindi na Ako Birhen
• Kung Wala ang mga
Pilipino, Paano na ang Mundo?
• Bayani ang Tatay Ko! (A
True Life Story)
• Bakit Kaya Hindi Ako
Mahal ng Daddy Ko?
• Ilocano? KURIPOT Yan!
• Minahal Ko ang mga
Salita Niya Hindi ang Kanyang Itsura
• Bakit Ako Nagsusulat?
• Bawal Ang Mainggit
(Nakamamatay!)
• Ina Nasaan Ka?
• Pakakasalan Kita o
Pananagutan Ko Siya?
• Paalam
• Kapag Nagmahal Ka ng
Dalawa, Sino Ang Pipiliin Mo?
• Unang Tikim
• High School Love
• Mahal na Mahal Ko Siya
Pero Ako ay Pagod na Pagod na!
• Lakbay ng Pag-ibig
• Ang Tahanan na Ating
Pinagmulan
• Dahil sa BLOG,
Nagkabalikan Kami
• Masarap na Bawal –
Masakit na Katotohanan (Isa Kang Kabet)
• Ang Dalawang Lalaki sa
Buhay Ko
• Kulang Sa Pansin
• Sticky Notes ( A Love
Story of Two Bloggers)
• Sino ba ang Dapat
Sisihin, Ako na Nangaliwa o Siya na Nagpabaya?
• Bubble Gum
• Pangarap nga Lang ba
Kita?
• Minahal Kita Agad
• Bakit Masakit Magmahal?
• Iwanan Mo na Siya
(Martyr Girlfriend)
• Isang Gabing Pag-ibig
• Maganda Ka Ba?
• Tadhana
• Father's Love
• Sino sa kanilang
dalawa?
• Please Lang, Matawa Ka
Naman
• Papa, Bibili Ka na ba
ng Bahay Natin?
• Magpapasko na Naman
Pala
Nagkaroon ako ng kauna-unahang published book sa ilalim ng pangalan ko bilang author, noong May, 2012. Ito ay aking pinamagatang, Buhay at Pag-ibig (Sa Danas, Isip at Paligid). Naglalaman ito ng 28 maikling kuwento tungkol sa buhay at pag-ibig, 5 tula at 44 na quotes.
Naging contributor din ako sa mga aklat nina:
Jovelyn Bayubay - Masaya
rin, Malungkot din (Karanasan ng OFW)
Aimee Ampalaya - Tips for a Long Lasting Relationship
Racquel Padilla - Sindi ng Lampara (OFW Stories)
Ayaw kong kilalanin nyo ako sa totoong itsura at totoong pangalan
ko. Gusto ko, kilalanin nyo ako sa kung paano ko kayo napangingiti, napasasaya
at nasasaktan sa mga isinusulat ko. At iyan ay walang iba kundi si Iceburn.
Maaari nyo akong maabot sa:
Facebook Page – https://www.facebook.com/admin.iceburn
0 comments:
Post a Comment