Photo credit: beatsfromthestreets.com |
Ipinanganak ako dito sa mundo na pinagkaitan ng kaligayahan.
Nasabi ko ito dahil tila ba kakambal ko na ang kamalasan. Habang nakaupo ako
dito sa madilim na sulok ng bilangguan, nag-iisip, nagtatanong, “Ito
ba ay hanggang saan…hanggang kailan?”. Humihiyaw ang kalooban ko dahil
sa aking kalagayan at sinapit ko na hanggang ngayon hindi ko maintindihan.
Anong lupit naman nitong kapalaran at nagawa pa ang buhay kong paglaruan.
Wala na kaya akong pag-asang lumigaya? Ang masilayan at
masalubong ang bawat umaga? Nilayo na sa akin ang liwanag ng tuluyan. Presko at
malamig na simoy ng hangin hindi ko na rin nararamdaman. Parang mas maganda na
yatang tumigil sa paghinga. Para matigil na rin itong paghihirap pa. Umiiyak ang
kalooban ko, nagdurugo ang puso ko dahil sa lupit ng kalagayan. Habang buhay na
yata akong tatalikuran ng kalayaan.
Hindi ko naman akalain na ganito ang kahihinatnan ng lahat.
Pero tila bang ito ang nag-aabang sa aking pagkamulat. Ang manatili sa likod ng
mga malulupit na rehas. Kapiling ang madilim na kapaligiran at lungkot ang
dinadanas. Namimiss ko nang makita at madinig ang kulay at ingay sa labas.
Nabubuhay nga ako pero ang kalayaan ko naman ay hindi mamalas.
Bakit ba parang binabalewala na ako ng lahat? Mula ng
magkautang ako ng buhay at maulat. Nasaan na ba sila?Wala man lang
nakaka-alala. Wala man lang bumibisita. Wala man lang naniniwala at
nagpapahalaga. Ramdam na ramdam kong ako ay kawawa. Ang kaparusahan ko ba
ay hindi pa sapat? Ano bang dapat kong gawin para ang dating buhay ko ay
mabawi? Hindi ko naman ginusto ang ganitong pangyayari. Karapatan ko lang ipagtanggol
ang aking sarili.
Kung ito ang nakatakda na kapalaran ko, parang ang hirap
tanggapin pero pipilitin ko. Masakit, mapait at subrang nalulungkot ako. Pero
titiisin ko dahil sa di sinasadiyang nagawa ko. Ang mabuhay dito sa loob ng mga
rehas. Na siyang humaharang sa kalayaan ko at bukas.
©Copyright 2012, Iceburn™ Blog. All rights reserved. Copying of any article in this blog without permission is strictly prohibited.
2 comments:
may mga batas kasi tayo na kaylangan sundin.. pero sabi nga pag katapos ng unos may bahaghari..kaya wag kang mawalan ng pag asa...(wagas talaga ang tinta mo iceburn) :)
Tama po kayo.. Nilagay ko ang sarili ko sa kalagayan ng isang bilanggo, ang hirap pala. lalo na kung walang paki-alam sa'yo ang mga taong inaasahan mo na kakampi mo. Ang hirap, lalo na kapag hindi mo naman sinsadya ang nagawa mong kasalanan. Pero kailngan mo itong pagbayara, dahil sabi mo nga, may batas tayo na kailngang sundin. Salamat Emilyn :)
Post a Comment