F-ilipino ang
wika ko, taas noo, ipinagmamalaki ko
I-to ang ginagamit ko upang magkaintindihan tayo
L-aging laman ng isip, puso at diwa ko
I-sang salita, isang lahi, isang Pinoy ako
I-to ang ginagamit ko upang magkaintindihan tayo
L-aging laman ng isip, puso at diwa ko
I-sang salita, isang lahi, isang Pinoy ako
P-angarap na
bituin, gamit ko ay salita
I-to ang aking hagdanan upang maabot ko siya
N-apapagod man, nasasaktan at nadadapa
O-o, humahakbang pa rin ang aking mga paa
I-to ang aking hagdanan upang maabot ko siya
N-apapagod man, nasasaktan at nadadapa
O-o, humahakbang pa rin ang aking mga paa
A-ko ay
Pilipino, mayroong sariling wika
N-ananatiling makabayan kahit nasa ibang bansa
G-umagamit man ako ng wika nang iba
...mas mahal ko pa rin ang Filipino kong wika
N-ananatiling makabayan kahit nasa ibang bansa
G-umagamit man ako ng wika nang iba
...mas mahal ko pa rin ang Filipino kong wika
W-ikang
Filipino, kilala sa buong mundo
I-sang patunay lang ang kagandahan nito
K-ahit ibang lahi, sa aki'y nagpapaturo
A-t gustong maintindihan itong wika ko
I-sang patunay lang ang kagandahan nito
K-ahit ibang lahi, sa aki'y nagpapaturo
A-t gustong maintindihan itong wika ko
K-ulang ang
tula ko, kung hindi Filipino ang gamit ko
O-o, hindi ako marunong sa ingles, e anong paki ko?
...basta ang alam ko, mahal ko ang Filipino
...Sa isip, sa puso at sa salita, ako ay Pilipino!
O-o, hindi ako marunong sa ingles, e anong paki ko?
...basta ang alam ko, mahal ko ang Filipino
...Sa isip, sa puso at sa salita, ako ay Pilipino!